April 25, 2010
9:00pm
“gusto ko umalis.gusto ko maginternet.gusto ko ng maiinom na malamig na malamig at matamis.gusto ko maginternet.gusto ko pumunta sa coffee shop.gusto ko ng malamig na inumin. lalabas muna ako. tangina asan yung laptop ko?!ayun.asa bulsa lighter ko. kukunin ko na.yosi ko asan?ayun.ang init!gabi na nga ang init pa rin. sindihan ko lang yosi ko.ano ba tong asong to,talagang sa gitna pa ng kalye eh no.sarap ng menthol.lamig.ayan.westpark.kagabi dumaan ako pero sabi down ang internet.westpark.sana maayos na ung wifi nila.ayoko na maglakad ng malayo.westpark.ayun.mocha..mocha..may wifi na kaya?blends..mochablends..”
West park
“asan ung ashtray?tapon ko lang.ang init. gusto ko ng maiinom na malamig.shit.pasok lang ako.bigat ng laptop ko.menu. menu.asan ung menu?choco…where’s..choconut…ella..choconutella..yun, asan na? ano un?crystal snaps? sige..isang hazelnut.crystal.snaps. miss, may wifi kayo? yess.meron na..upuan, san ba maganda?san maganda umupo?san ba maganda?asan ba ung maganda?asan?ayun..dito na ko uupo.kitang kita ko ung mganda..internet..my god, makakaupdate na ako sa fb.westpark.asa westpark nga ako”
Oh snap..s..my crystal snap!
“eto na, parating na..zihazelnutkwistalsnaps.malamig.matamis.its.its..it’s perfect..may sikreto ako.oo meron.teka.asan ba un..ung.ung nagtake ng order.ayun..siya.hehe.ang ganda nya..o tama na.un na sikreto ko.gusto ko siya makausap.teka.tatanong ko kung anong oras closing.tatanong ko lang.ano oras closing nyo?ah..11:30.may 2hours pa.sige.sasagarin ko n lng..balik lng ako sa upuan.internet.ang bagal ng laptop.ay kaya naman pala, nagsstartup pa lang..teka, yosi lang muna ako.pnta muna ako restroom.teka, asan ba? miss, pwde pabantay ng laptop?punta lng ako restroom..salamat. nakausap ko siya ulit. yehehehe..yosi muna ako.wala naman kukuha ng laptop eh.”
oh my. my. my menthol lights.
“sarap talga ng menthol.shit.last night ko na pala.bakit ngayon lang ako nagpunta.babalik pa naman ako sa may.balik na lng ako dito.haidnhor’s.shawarma.hmm..shawarma.pagbalik ko, babalik ako haidnhor’s.hithit sa yosi.sarap tlga.lamig sa lalamunan.tamang tama yung iniinom ko.ang init dito sa labas.pero, malamig lalamunan ko.yess..matagal p naman 11:30 eh.may customer pa naman.magtatagal talaga ako dito..bakit ang yosi, masarap, kahit alam nating masama?tapon ko muna.internet lng ako.”
magnanakaw
“laptop ko?yun.internet.ok na.ok na ung laptop.facebook na ko.ym na ko.youtube.oopps..ang ganda ng sounds dito.pinatugtog forevermore.ahh..napapakanta tlga ako.nice songs.goodjab!hmmm…asan siya?ayun, sa may counter.panakaw ha?panakaw.ng tingin.panakaw.oi oi oi..lowbat laptop ko.saksakan, asan ung saksakan.ayun, sa gilid, malapait sa counter.malapit sa kanya.yehehe..mas madaling magnakaw.pero masmadaling mahuli..baka mahuli ako.miss, pwde pasaksak?.un.internet ulit.chat lng.tangina uhaw ako.sarap tlga.matamis.malamig.panakaw ulit.panakaw.un..nakaw tingin.isang oras pa ako puro ganito. manunuod lang ako videos.anino.anino trailer.masid trailer.youtube.chat. uhaw n naman.”
Labas muna… bago ako ipatuloy, nais ko sabihin na tatalon tayo ng kwento.makalipas ng isang oras, ganun pa rin ang nangyayari. yosi.pasok.nakaw tingin.yosi.pasok.internet. Ayos talaga pwesto ko..pero ayos na ayos din kapag mahuli niya ako na pasulyap sulyap.haha.buks..buks..buking
Closing time. Close.Closing na?
“nakaw.nakaw..nakaw…oops..closing na?aww shit..pano ako nanakaw nito..sige.teka.kunin ko pera ko..kunin ko pe……….panakaw..oo tama..nakaw..facebook.mocha..naga.blends..mochablendsnaga. search.typing..m.o.c.h.a.b.l.e.n.d.s.n.a.g.a…enter.friends list.. sana andito ka..sana andito siya..3..2..1..un..so that’s your name..add as friend..got the money.pumunta sa kanya.nagbayad.closing na..closing na.uuwi na ko ..bukas..uuwi na ako ng manila..eto na ung sukli..saying my silent goodbye..goodbye..bye..good..bye..”
coffee shop
“uwi na ko..oops..teka.baka hndi ako makilala.teka.magffb ako sa cp ko.ayun.thanks..for.the..love..ly…dr.ink…a whil…e..ago… sa may babalik ako..dito..sa..
coffee shop
You know this story..and the story after this.. :)
1month na ang nakalipas, ngunit hinahanap hanap ko pa rin ang makulay kong laptop. namimiss ko na panoorin mga lumang videos na ginawa ko na hndi ko pinost sa youtube dahil sobrang espesyal sa akin.. mga gigs ng banda ko..pics ng travel ko sa ibang bansa. mga composed kong kanta. shiittt…
O Diyos ko! Sa aking pag-tulog nais kong malaman
Kung Kayo ay nabubuhay sa puso at isipan
ng mga taong tulad nyan.
Sa litratong ito maririnig ang kumakalam na sikmura
Sa loob ng kanyang utak siya ay nagmumura.
“BAKIT PO GANITO ANG BUHAY KO ANO BANG MALI??!!
PAGOD NA PO AKO AT GUSTO KO NANG UMUWI!!
UMUWI SA PILING MO O DIYOS KONG SINASAMBA!
MATAPOS NA ANG PAGOD NA AKING NADARAMA!!”
Yan ang sigaw ng puso.
Yan ang apoy ng puso.
Kabadong naghihintay si Marco sa loob ng kanyang bahay. Habang nakaupo sa upuan, hawak hawak ang kanyang cellphone sa kanyang kanang kamay. Palipat-lipat naman ng istasyon sa TV ang kaliwang kamay ni Marco na may hawak na remote. Usapan nila ay magkita sa bahay ni Marco ng 6:30 at kakain sila sa labas para ipagdiwang ang kanilang ikatlong MONTHSARY.. Huling 1 piso na lamang ang natitira sa kanyang load, at nagpadala na siya ng mensahe para sa hinihintay nyang si Tere. “Wer na U? w8 kta hir haus. sabi qoh mit tau 7pm hir. la pa u..” habang tinititigan ang kanyang cellphone… Nagsalita ang isang reporter sa tv…. “Isang malaking bangaan po ang naganap sa EDSA. 7 sasakyan ang nagbangaan sa gitna ng kalsada, dahilan po ay ang dulas ng daanan dulot ng ulan” Parang may trak sa dibdib ni Marco at nagsimula nang mataranta. Nagalala si Marco dahil dun manggagaling si Tere mula sa kanyang trabaho. “Hindi, Hindi, malamang, nakalagpas na siya nung nangyare yung banggaan.. HINDI!!!!” ilang minuto na ang dumaan, wala paring reply si Tere. Nanginginig na nakatingin lang si Marco sa kanyang cellphone.. Tingin sa orasan…. tingin sa cp…. tingin sa labas ng pintuan…. “Tere, asan ka na…Magreply ka nman ! o tumwag!!..natatae na ko sa kaba!” Hindi naman makapasok si Marco sa banyo dahil baka dumating na si Tere.. Tingin sa orasan.. “Mag aalas syete y medya na wala pa rin, baka lumamig na pagkain dun!” Tingin sa cp…. “Sakit pa nang tyan ko!!” Tingin sa orasan… “Oh my….pls..magdoorbell ka!” “Dapat, pagdating ng quarter to 8, kapag wala pa siya, lalabas na ako ng bahay at sa kanto ko n lng siya aabangan” habang pawisang nagaabang si Marco sa sala, bumabalik ang mga imahe ng aksidente sa EDSA. “SHEMMMSSS, HINDI PWDE YUN!!!” ayan na at 1minuto na lang bago magquarter to 8. ….. …… ……. …… ….. Pabalik balik si Marco sa upuan at sa pintuan para tingnan kung may darating… Hawak pa rin ang cp na hndi nya mabitawan.. Hinihimas ang tyan na knina pa sumasakit.. ….. …… ……. …… ….. tatlumpong segundo na lang.. Tiklop na ang katawan ni Marco sa sakit ng tyan..Ang mata’y nasa pintuan pa rin.. at ang cp ay nakadikit na sa kamay.. ….. …… ……. …… ….. sampung segundo na lang… nanginginig na si marco sa sakit.. hindi pa rin tumutunog ang cp.. at wala paring tao sa gate.. ….. …… ……. …… ….. 3 segundo.. “ARAAAAYYY” ….. …… ……. …… ….. 2 segundo.. “OOOHHH MAGTEXT KA NA!!!!” ….. …… ……. …… ….. 1segundo.. “Ayan na! Lalabas na ako ng bahay!! ayyyy!!!! lalabas na!! AYAN, LALABAS NA!!TYAN KO!!!” tumakbo sa si Marco pero hindi palabas ng bahay.. Derecho sa kubeta.. at sa wakas may nagtxt!! Ang pinakahihintay ni Marco.. ……….. ………….. ………………. ………………….. ………………… ……………. …………. ……….. ……. “Your Unlimited texting has already ended” galing sa 8888.. “DINGDONG” at may nagdoorbell…