Butch Moralde

Sandali

Habang ako’y nagamamadaling nagpapatakbo ng sasakyan ko,

isip ko’y nasakanya lamang..

Hawak ko ang papel na naglalaman ng isang awiting pinangako kong tapusin para sakanya.

Ang araw na iyon, ay ang kanyang pag-alis tungong ibang bansa.

Sa oras na iyon, ako ay naguluhan. Naguluhan kung nais ko bang bilisan ang pagtakbo ng kotse, O itigil na lang ang oras upang hindi ko na muling masaksihan ang pagiwan sa akin.

Naroon na at bumaba ako sa harapan ng kanyang tahanan.

Hawak ang papel, sinisigaw ko ang kanyang pangalan..

Lumabas ang kasambahay nila..

Lumapit sa akin at sinabing,

“wala na po sila, umalis na po.. Maaga po sila umalis kuya.”

Binitawan ko ang papel..

Pakiramdam ko’y nahulugan ako ng isang malaking pader ng kalungkutan..

Ang mga mata ko’y unti unting lumuha..

sumakay ako sa sasakyan ko at umalis na lng…

Makalipas ng ilang buwan..

Araw araw hindi siya nawala sa aking isipan..

Gabi gabi, siya pa rin ang hinahanap ko.

At isang gabi..

Narinig ko ang kanyang boses..

Boses nya na inaawit ang kantang nilikha ko para sakanya..

Imposible.. Imposibleng malaman nya ang kantang iyon..

Ang kantang iyon na hindi naman niya napakinggan.

At unti unting nakita ko ang mukha niya..

Ang kanyang mga labi, na inaawit at aking gawang kanta..

Ngumiti ako, at lumuha..

Nagbalik na siya….

At ang mga mata ko’y bumukas..

Isang panaginip lang pala……

Sumalubong ang balita sa akin…….

Na siya ay pumanaw na..


“Ang buhay ba, sadyang madilim? sa sobrang dilim, hindi mo na makita ang paroroonan mo?..O sadyang nkapikit lang tayo?”

  1. butchlovesblue posted this
More Information