Alas-Diyes na ng gabi,
lahat kami ay halos mamikit na ang mga mata dahil sa alak na aming nainum mula pa nang alas-singko ng hapon.
Maligayang bati sayo Macoy,
ang kaibigan kong matalik, ika-21 taon na nya.
Halatang masaya siya nung gabing iyon, hawak pa nya ang kamay ng kanyang kasintahang si Lannie.
Katabi ko si Anna nung gabing iyon. Si Anna, ang pinakamatalik kong kaibigan, ang aking prinsesa, ang aking mahal.
Alas-onse na, niyaya ko nang umuwi Si Anna, kasama ang 2 pa naming kaibigan na si Gerard at Jeff. Nagpaalam na kami kina Macoy at lumabas na sa kanilang bahay.
Madilim na sa kalye, ngunit ang aming bahay ay 15minutong lakad lang.
Di pa nakakalayo sa bahay ni Macoy, may sumalubong sa aming isang tanod, lumapit sa amin at tinatanong kung bakit nagpapalakad lakad pa kami sa oras na iyon. Napansin ko na namumula ang mamang iyon at sumisingaw ang amoy ng alak sa buong katawan nya.
Lasing ang tanod na sumalubong sa amin..
“Saan kayo pupunta??!! Gabi Na ah!!”
sumagot si Jeff, “Kuya, pauwi na po kami, tska alas-onse diyes pa lang po, ang curfew po naman ay alas-dose hndi po ba?”
npansin kong mukhang nagalit ang tanod at may binunot sa kanyang likuran..
Isang baril…
Hindi namin alam ang gagawin namin, dahil baka mabaril kami ng tanod na halata namang lasing na lasing na.
“Sige! Umuwi na kayo..Pero iwan nyo yang babaeng yan.”
Agad akong sumagot,
“Kuya, girlfriend ko po yan, pabayaan nyo na po kami. Eto, ipang-kape nyo na ito”
Sumigaw ang lalake na halos itutok na sa akin ang baril..
Lumapit siya Kay Anna, inakbayan nya gamit ang kamay na may hawak na baril..
Hinawakan niya ang dibdib ni Anna..
Sumigaw ako at sinakal ang bastos na tanod..
“Putang-ina mo bastos ka!”
Tintutok nya sakin ang baril, agad ko inagaw ngunit hndi nya bnibitawan..
Hanggat sa pumutok ang baril….
Sa oras na iyon..
Hindi ko mabuksan ang aking mga mata..
Nanigas ang aking mga kamay…
Wala akong nrinig kundi ang sigaw ni Anna…
Hinawakan nya ang mga kamay ko habang ako ay nkahiga sa kalsada..
Hinaplos nya ang aking mukha at sumisigaw..
“Tara na tara na! Yung mga pulis papunta na! Tara na!”
Binuksan ko ang aking mata..
Andun ang tanod na bumastos sa amin..
Nakahiga sa tabi ko..
hindi na kumikibo..
napatay ko ang isang tao..
Nakapatay ako ng isang tao…
Nakapatay…..
Ayokong tumakas dahil alam ko mahuhuli din ako..
Sinabi ko saknla na wag nila ako iiwan, sama sama kaming pupunta sa presinto upang magbgay ng testimonya..
Dumating ang ibang mga tanod dahil narinig ang pagputok ng baril..
Pero…
Iniwan nila ako..
Si Anna.. Iniwan ako…
Ang mga matalik kong kaibgan, iniwan ako..
Hindi ako kumibo nung dinala na ako sa pulis..
Walang pumunta na mga kamag- anak ko dahil nasa abroad ang mga magulang ko..
Walang nagpunta para suportahan ako..
Magisa lang ako..
Nakulong ako sa isang selda na walang ilaw..
Madilim..
Mabaho..
Maingay..
Hindi ko nabilang kung gaano ako katagal sa loob ng kulungan..
Grupo ng mga preso, binugbog ako dahil sa hindi ako nagsasalita..
Binugbog din ako dahil sa pagnakaw ng droga sa loob ng kulungan na gabi gabing bit bit ng isang gwardiya..
Bumisita ang aking ina pra lang sa 3 bagay.. Una, para bgyan ako ng pagkain at mga damit.. Pangalawa, upang sabhing pumanaw na ang aking ama, at pangatlo, ang aking ina ay may cancer.. Gusto ko mang umiyak habang niyayakap ako ni mama, ngunit walang luha ang lumalabas sa aking mata.
Gabi gabi, iniisip ko kung bakit nila ako iniwan.. Lalo na si Anna.. Bakit niya ako pinabayaan??
Nakalaya na ako, pero wala akong alam kung ilang taon na ang lumipas.. Sa loob ng kulungan, walang oras, hindi ko alam kung anong araw na, anong oras na, anong buwan.. Hindi tumatakbo ang oras..
Bumalik ako sa aming bahay kaagad..
Walang tao.. May nagsabi sa akin na umalis daw ang aking ina kasama ang isang lalake.
Pinuntahan ko si Jeff.
Kumatok ako sa kaniyang pintuan..
Siya ang nagbukas ng pinto..
Nasabi ko sa sarili ko na matagal akong nawala. Mahaba na ang buhok ni Jeff. at may asawa na rin.
Nung araw na iyon, nasa opisina pa ang kanyang asawa..
Hindi maipinta ang mukha ni Jeff. Kitang kita ko sa mukha nya na nagaalangan siya. Malamang dahil sa pag-iwan nila sa akin..
“Pre, kalimutan na natin yung nangyare. Ang mahalaga, nakalaya na ako..”
ang sabi ko kay Jeff.
Unti unti siyang ngumiti at hinawakan ako sa balikat.
“Pre, namiss ka namin”
sabi sa akin ni Jeff.
Tumayo siya at pumunta sa kusina, habang ako ay palakad lakad sa kanilang sala.
Habang paikot ikot ako sa bahay nila, nakita ko sa ibabaw ng mesa, ang isang litrato, litrato ni Jeff at ni Anna na nasa harap ng simbahan.. Kinasal sila..
“Pre, gusto mong beer? meron pa ako dito 4 na lata” sabi ni Jeff.
“Sige jeff, ubusin na natin yan”.
Dahan dahan akong pumunta sa kusina, kinuha ko ang kutsilyo habang siya ay nakatalikod..
Habang knukuha nya ang beer sa ref, tinulak ko siya sa kanyang batok, at dahan dahan kong sinaksak sa kanyang likuran..
Naririnig ko ang kanyang sigaw. Naalala ko nung ako ay nasa loob ng kulungan habang ako ay binubogbog..
Sinaksak ko pa nang maraming beses hanggat sa mawala ang kanyang boses..
Hinarap ko siya sa akin, at umiiyak..
binulong ko sa kanya,
“Pare, bakit si Anna?Parehas nyo akong tinraydor”
Hindi na siya nakasagot.. Tumigil na siya sa paghinga..
maya maya’y dumating na ang kanyang asawa na si Anna.
Nalinis ko na ang kusina, at itinago ko si Jeff sa kanilang bodega..
Nagulat si Anna nang ako ay makita niya..
Umiiwas siya na parang ako ay hindi niya kakilala.
Hinanap niya si Jeff.
“Anna, hindi ako pumunta dito para gumawa ng gulo. Bumili lang si Jeff ng inumin sa tindahan.. Di nga nya alam na uuwi ka ng maaga, ang sabi nya sakin alas-9 ka pa daw mkakarating”
“Kelan ka pa nakalaya?”
hindi ko na sinagot ang tanong nya, sinabi ko na lang na hindi na ipmortanteng malaman nya kung kelan ako nakalaya, ang ipmportante, naka-laya na ako..
Umakyat muna sa Anna para magbihis..
Kinuha ko ang kutsilyong ginamit ko kay Jeff.
Dahan dahan akong umakyat sa kanilang kwarto..
Binuksan ko kaagad ang pintuan..
Sumigaw si Anna..
agad kong tinakpan ang kanyang bibig..
Pinaluhod ko siya sa aking harapan..
“Anna, nung nasa loob ako, madilim, wala akong makita, walang ilaw.. Tinraydor mo ako.. Iniwan nyo ako.. Sa buhay ko, ikaw ang ilaw ko.. Pero wala ka.. Hindi ako pumunta dito para gumawa ng gulo.. Andito ako, para tapusin ang gulo..”
“Anna, pumikit ka lang… Saglit lang to”
Sinaksak ko na si Anna.
Paulit ulit..
Sigaw siya ng sigaw.
“tama na! tama na!”
hanggat sa tumahimik..
binulong ko sa kanya,
“maghanda ka ng puwang para sa akin sa impyerno”
Biglang bumukas ang aking mga mata..
Alas-onse kinse na at nakina Macoy pa kami..
Lahat sila ay nagtatawanan dahil ako ay nakatulog sa gabi ng kaarawan ni Macoy…
Maliwanag sa kalye ng Macopa…