Butch Moralde

Nag-hihintay

Kabadong naghihintay si Marco sa loob ng kanyang bahay. Habang nakaupo sa upuan, hawak hawak ang kanyang cellphone sa kanyang kanang kamay. Palipat-lipat naman ng istasyon sa TV ang kaliwang kamay ni Marco na may hawak na remote. Usapan nila ay magkita sa bahay ni Marco ng 6:30 at kakain sila sa labas para ipagdiwang ang kanilang ikatlong MONTHSARY.. Huling 1 piso na lamang ang natitira sa kanyang load, at nagpadala na siya ng mensahe para sa hinihintay nyang si Tere. “Wer na U? w8 kta hir haus. sabi qoh mit tau 7pm hir. la pa u..” habang tinititigan ang kanyang cellphone… Nagsalita ang isang reporter sa tv…. “Isang malaking bangaan po ang naganap sa EDSA. 7 sasakyan ang nagbangaan sa gitna ng kalsada, dahilan po ay ang dulas ng daanan dulot ng ulan” Parang may trak sa dibdib ni Marco at nagsimula nang mataranta. Nagalala si Marco dahil dun manggagaling si Tere mula sa kanyang trabaho. “Hindi, Hindi, malamang, nakalagpas na siya nung nangyare yung banggaan.. HINDI!!!!” ilang minuto na ang dumaan, wala paring reply si Tere. Nanginginig na nakatingin lang si Marco sa kanyang cellphone.. Tingin sa orasan…. tingin sa cp…. tingin sa labas ng pintuan…. “Tere, asan ka na…Magreply ka nman ! o tumwag!!..natatae na ko sa kaba!” Hindi naman makapasok si Marco sa banyo dahil baka dumating na si Tere.. Tingin sa orasan.. “Mag aalas syete y medya na wala pa rin, baka lumamig na pagkain dun!” Tingin sa cp…. “Sakit pa nang tyan ko!!” Tingin sa orasan… “Oh my….pls..magdoorbell ka!” “Dapat, pagdating ng quarter to 8, kapag wala pa siya, lalabas na ako ng bahay at sa kanto ko n lng siya aabangan” habang pawisang nagaabang si Marco sa sala, bumabalik ang mga imahe ng aksidente sa EDSA. “SHEMMMSSS, HINDI PWDE YUN!!!” ayan na at 1minuto na lang bago magquarter to 8. ….. …… ……. …… ….. Pabalik balik si Marco sa upuan at sa pintuan para tingnan kung may darating… Hawak pa rin ang cp na hndi nya mabitawan.. Hinihimas ang tyan na knina pa sumasakit.. ….. …… ……. …… ….. tatlumpong segundo na lang.. Tiklop na ang katawan ni Marco sa sakit ng tyan..Ang mata’y nasa pintuan pa rin.. at ang cp ay nakadikit na sa kamay.. ….. …… ……. …… ….. sampung segundo na lang… nanginginig na si marco sa sakit.. hindi pa rin tumutunog ang cp.. at wala paring tao sa gate.. ….. …… ……. …… ….. 3 segundo.. “ARAAAAYYY” ….. …… ……. …… ….. 2 segundo.. “OOOHHH MAGTEXT KA NA!!!!” ….. …… ……. …… ….. 1segundo.. “Ayan na! Lalabas na ako ng bahay!! ayyyy!!!! lalabas na!! AYAN, LALABAS NA!!TYAN KO!!!” tumakbo sa si Marco pero hindi palabas ng bahay.. Derecho sa kubeta.. at sa wakas may nagtxt!! Ang pinakahihintay ni Marco.. ……….. ………….. ………………. ………………….. ………………… ……………. …………. ……….. ……. “Your Unlimited texting has already ended” galing sa 8888.. “DINGDONG” at may nagdoorbell…

More Information