Butch Moralde

O Diyos ko!  Sa aking pag-tulog nais kong malaman

Kung Kayo ay nabubuhay sa puso at isipan

ng mga taong tulad nyan.

Sa litratong ito maririnig ang kumakalam na sikmura

Sa loob ng kanyang utak siya ay nagmumura.

“BAKIT PO GANITO ANG BUHAY KO ANO BANG MALI??!!
PAGOD NA PO AKO AT GUSTO KO NANG UMUWI!!
UMUWI SA PILING MO O DIYOS KONG SINASAMBA!
MATAPOS NA ANG PAGOD NA AKING NADARAMA!!”

Yan ang sigaw ng puso.
Yan ang apoy ng puso.

  1. butchlovesblue posted this
More Information